Michael: Dati tambay-tambay lang ako, ngayon may pelikula na kami!

michael pangilinanFINALLY, palabas na ang pinaghirapan naming pelikula, ang song-turned into a movie na “Pare Mahal Mo Raw Ako” composed and now directed by Joven Tan na inawit ng anak nating si Michael Pangilinan sa 2014 Himig Handog P-Pop Love Songs na meron nang almost 9 million views sa YouTube.

The movie stars Michael himself as the guy na kinainlaban ng kanyang gay best friend played by hanep-sa-galing na young actor nating si Edgar Allan Guzman. Also starring in this film are some of the country’s greatest finds like Ms. Ana Capri, Joross Gamboa, Matt Evans, Katrina “Hopia” Legazpi, Hashtag Nikko Seagal Natividad, Miggy Campbell, Malou Crisologo and Ms. Nora Aunor.

This is the first time na nag-produce kami ng movie nina Joven Tan, Capt. Ernie Moya, Carlos Sario and Tito Fred Sibug. And yes, wala kaming regrets dahil maganda ang kinalabasan ng produkto namin – ang ganda ng pagkatahi at pagkadirek ni kafatid na Joven Tan sa pelikula. And of course, we are very grateful na ini-release ito ng Viva Films. Ni sa guni-guni ay hindi ko naisip na minsan sa buhay ko ay magiging co-producer ako ng movie dahil mahirap lang ako. Ha-hahaha!

“At least masasabi ko na minsan sa buhay ko ay may nagawa akong pelikulang may katuturan. Kasi hindi naman talaga ako pang-artista eh, singer lang ako and honestly, na-impress ako sa kabuuan ng movie namin. To be able to work with some of the greatest actors in the industry is already a big honor for me.

“Dati tambay-tambay lang kami ng mga barkada ko sa computer shops, ngayon may movie na ako. Mantakin mo iyon. Ha-hahaha!” pagbaliw-baliwan ni Michael na nininerbiyos actually sa kahihinatnan ng movie niya. “Natural lang naman yung kinakabahan ka pero kesa hindi mapalabas, iyon ang mas masaklap. Nagdarasal akong sana mag-click ang movie, na maging hit para hindi naman masayang ang effort ng lahat ng involved sa production.

Hindi man siya higante compared to the other movies pero maipagmamalaki naman natin ang ‘Pare, Mahal Mo Raw Ako’ dahil may puso at may leksiyon tayong matutunan once napanood na natin ito.

“Masaya pa! Grabe sina Joross and Matt – hanep sa comedy. Kahit ilang ulit ko nang napanood ang movie natatawa pa rin ako sa kanila. Galing nilang magbatuhan ng linya. And siyempre, walang tatalo kay EA (Edgar Allan), mahusay talaga. Nakikisabay lang ako sa kaniya dahil ayaw akong i-workshop ni Direk Joven, mas gusto raw niya na raw ang acting ko. So, sinunod ko na lang ang payo niya,” dagdag pa ni Michael.

Nakakatuwa ang Michael’Overs (official fan club ni Michael Pangilinan), dahil isinabay nila ang kanilang block screening today sa Fishermall at 2 p.m.. Siyempre, pupunta si Michael diyan sa para mag-foto-op and autograph signing. Dami kasing fans si Michael who came from all over the country (wow! parang big star ang dating ah!) and some came pa from Canada just to be with him. Pero ang totoo niyan, umuwi talaga sa Pinas yung mga taga-Canada para magbakasyon at idinamay lang nila ang pakipagkita kay Michael dahil sobrang fans daw sila ng singer.

Sa totoo lang, hindi ako nagsasawang panoorin ang movie. Ito ang klase ng pelikulang hindi ka mabubuwisit panoorin – sarap ulit-ulitin kasi nga hindi masyadong mabigat pero mararamdaman mo ang pagpapahalaga – ang friendship at anumang uri ng pakipagrelasyon.

Hindi namin namalayang June 8 na pala ngayon and first day na ng showing ng movie namin. Nakakatuwa dahil finally ay mapapanood na ng buong bayan ang simpleng pelikulang ito ngunit aantig sa puso ng bawat isa sa atin at magpapa-good vibes sa ating lahat. A feel-good one na hindi dapat palagpasin. R-13 Without Cuts ang rating ng “Pare, Mahal Mo Raw Ako” na hindi lang exclusive para sa LGBT community, it’s for the whole world to see.

Good luck, Michael and EA – and of course, Direk Joven Tan! This is such a masterpiece na punumpuno ng aliw at aral. Thanks Direk Joven for making us part of this journey. We look forward to working with you anytime soon. Mwah!

q q q

Speaking of Michael Pangilinan, sasamahan namin siya ni Papa Ahwel Paz and Kuya Sam Yamaoka (Michael’s half-brother) sa Taiwan this coming Saturday para sa isang espesyal na pagtatanghal for the displaced Pinoys on Independence Day. After ng Taiwan, lilipad ulit kami ni Michael for Tokyo, Japan on June 17 para naman sa Gabay Guro project ng PLDT.

Sa June 25 naman ay lilipad kami nina Michael and Boobsie Wonderland to Bacolod para sa isang fund-raising drive organized by our dear friend Ms. Token Lizares para sa funding ng emergency rooms ng ilang public hospitals doon.

July 1 naman ang back-to-back concert nila ni Prima Diva Billy sa Teatrino (Promenade, Greenhills) entitled “Full Tank” with guests KZ Tandingan, Boobsie, Nikko, Gab Matura, Allen Sta. Maria, Pink Mannequins and Ms. Verni Varga sa musical direction ni Ivan Lee Espinosa. Sa July 12 naman ang “Michael Sounds Familiar in Carrascal” sa Surigao del Sur with Morisette Amon, Boobsie Wonderland and Randy Santiago.

His second album will be launched na by Star Music this July with “Everything I Own” (originally by Bread) as its carrier single. Kakaloka sa pagka-busy, di ba?

Read more...