Komedyante tuloy ang pagbibisyo, sakit sa ulo ng produksiyon

BLIND ITEM MALE0423

KUNG hindi lang magaling at marunong makisama sa mga katrabaho at production staff ay matagal nang tsinugi ang isang komedyante dahil lagi itong nasasabit sa gusot.

May bisyo raw kasi ang komedyante, ilang beses na siyang pinayuhan ng mga kasamahan sa trabaho at kaibigan na tumigil na, maging ang bossing ng programang kinabibilangan niya ay binigyan na rin siya ng ultimatum.

“Tumino naman for a while, pero bumalik sa bisyo niya lalo na kapag nade-depress. Marami kasi siyang excess baggage kaya iniintindi na lang siya, pero hanggang kailan? Paano kung magsawa na lahat ng taong umiintindi sa kanya?” kuwento ng aming source.

Tanda nga namin naging laman ng pahayagan at news program ang komedyante dahil sa naging problema nito sa buhay at ilang buwan ding nanahimik at nangakong magbabago na.

“Nagiging cause of delay siya sa taping kasi hirap siyang gumising ng maaga. Minsan naman pag dumarating sa set wala sa mood mag-taping kasi may hang-over. Pero kapag okay na siya, magaling naman talaga,” kuwento pa ng aming source.

As of now ay may regular show ang komedyante at may TV guestings din, sana lang magbago na siya bago maging huli ang lahat.

Read more...