Sharon patuloy ang pagpayat: pero hindi pa rin ako kuntento!

sharon cuneta

IN fairness, mukhang successful na nga ang ginagawang pagpapapayat ni Megastar Sharon Cuneta bilang paghahanda sa mga nakalinyang proyekto para sa kanya ng ABS-CBN.

Sa kanyang Facebook account, nagbigay ng update si Mega tungkol sa resulta ng ginagawa niyang diet at exercise. Matapos daw ang anim na buwan, napakalaki na ng pagbabago sa kanyang katawan. Nagsimula ang matinding pagbabawas niya ng timbang noong Dec. 22, 2015.

Nitong nakaraang Lunes, ibinandera ni Shawie ang kanyang latest photo kung saan makikita ang mas payat na niyang katawan. Pero aniya, hindi pa siya satisfied sa timbang niya ngayon.

Sey ni Mega sa kanyang FB post, “Thelma and Louise, you know I’d be Louise! But that shirt’s in Manila now and I’m not. This was taken this morning. I feel I’ve lost about 50 lbs. now but am still not satisfied. A little bit more to lose and I’ll be back to my pre-Miel shape! Hope you’re all doing well. God bless you!”

Dagdag pang mensahe ng singer-actress, “Thanks for watching us on TVK3!!! And thanks so much for all your sweet messages! Some happy news: Scheduled to start shooting my new movie – my first in 6 years with one of YOUR favorite partners of mine (one of mine, too!) and a popular young loveteam in September!

“Two-night ‘intimate’ concert in November! New CD/album coming up! God is good. Have a great day!”
Bukod dito, maganda rin ang feedback ng viewers kay Mega bilang bagong coach sa  The Voice Kids Season 3.

Read more...