IBINASURA ng Korte Suprema ang mosyon ng tinaguriang reyna ng pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles na i-dismiss ang naunang resolusyon ng Office of the Ombudsman matapos siyang kasuhan ng dalawang counts ng graft at dalawang counts ng malversation sa Sandiganbayan Third Division.
Sa kanyang petisyon for certiorari, inakusahan ni Napoles si Ombudsman Conchita Carpio-Morales na umabuso sa kanyang kapangyarihan nang sampahan siya ng hiwalay na mga kasong kriminal.
“The Court deferred to the Ombudsman’s findings of probable cause in the absence of any grave abuse of discretion shown by petitioner [Napoles],” sabi ni SC Information Chief Atty. Theodore Te sa isang press conference.
Isa si Napoles sa mga kapwa akusado ni Davao Del Sur 1st District Representative Marc Douglas Cagas IV.
Ito’y kaugnay naman ng maanomalyang paggamit ng P11 milyong Priority Development Assistance Fund (PDAF) ni Cagas mula 2007 hanggang 2009.
SC ibinasura ang mosyon ni Napoles na i-dismiss ang mga kasong graft, malversation
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...