Katawan ng 2 nawawala matapos ang flashflood sa Laguna natagpuan na

lagunaSAN PEDRO CITY, Laguna– Natagpuan na ng isang search team ang mga katawan ng dalawang tao na nawawala matapos silang tangayin ng flashflood sa Majayjay, Laguna noong Linggo, ayon sa pulisya.

Sinabi ni Majayjay police chief Senior Insp. Marcelino Marcial na tinapos na ang dalawang araw na paghahanap matapos matagpuan ang katawan nina Vanessa Carillo at Bryan Alemania kaninang umaga.

Natagpuan ang katawan ni Carillo sa Barangay Bakia, Majayjay, samantalang natagpuan naman si Alemania sa bahagi ng ilog sa kalapit na bayan ng Magdalena.

Noong Lunes, natagpuan ang katawan ng anim-anyos na anak na batang babae ni Alemania na si Christine Althea, pitong kilometro mula sa Dalitiwan Resort sa Barangay Ilayang Banga.

Panauhin ang tatlo sa isang resort sa gilid ng bundok nang sila ay tangayin ng flashflood noong Linggo patungong Dalitiwan River.

Read more...