Duterte sinabing hindi na magpapa-interview hanggang 2022

duterte-301
NANGAKO si President-elect Rodrigo Duterte na hindi na siyang magpapa-interview sa media hanggang matapos ang kanyang termino sa 2022.
“Sorry ha, talagang ano… boycott talaga,” sabi ni Duterte sa isang video na ipinost sa Facebook kahapon ng TV5 correspondent na si France Noguera.

Ito’y matapos namang umani ng pagbatikos ang mga pahayag ni Duterte laban sa media matapos namang ipagtanggol ang pagpatay sa mga mamamahayag at maging ang pagsipol sa GMA-7 anchor at reporter na si Mariz Umali.

“Ayoko na. Ang interview maraming mali, maraming criticisms. No interview, no criticism. No wrong statement, no nothing. I’ll shut up, ayoko na talaga,” dagdag pa ni Duterte.
Noong isang linggo, sinabi ng executive assistant ni Duterte na si Bong Go na pansamantala munang hindi magpapatawag ng press conference si Duterte para maiwasan ang mga pagkakamali.
Aniya, ipapadaan lahat ni Duterte ang mga pahayag sa government television network PTV-4.
Nauna nang nanawagan ang Reporters Without Borders na naka-base sa Paris na dapat i-boycott ng media si Duterte. Inquirer.net

Read more...