UNTI-UNTI nang nakilala ang bayan ng Lubao bilang isa sa mga tourist destinations sa Pampanga. Kung noon ay kilala lamang ang nasabing lugar bilang hometown ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, ngayon ay isa na ito sa mga paboritong bakasyunan ng mga Pinoy, lalo na sa mahihilig sa wakeboarding.
At kung mahilig ka sa wakeboarding (at golf), dapat mong bisitahin ang Pradera Verde. Dito idinaraos ang taunang International Hot Air Balloon Festival na ginaganap tuwing April. Kamakailan ay naanyayahahan kami nina Pampanga Gov. Lilia Pineda at Mayor Mylyn Pineda-Cayabyab na bisitahin ang nasabing water and wake park, na tinatayang may 350 ektarya, at talaga namang namangha kami sa aming nakita.
Bukod sa wake park at golf course, bubuksan na rin any time soon ang dalawang naglalakihang wave pool. Nalaman namin na ang Pradera ang unang resort na gumamit sa Pilipinas ng “regeneration” para sa kanilang tubig doon (hindi chlorination) na may natural filters sa ilalim ng lupa na dinisenyo ng isang German, kaya environment friendly raw ito.
Paano bumiyahe roon
Para sa mga gustong ma-experience ang mga magagandang lugar sa Lubao, kung meron kayong sariling sasakyan, take North Luzon Expressway patungong San Fernando toll exit. Turn left papuntang Jose Abad Santos Ave. (dating Olangapo-Gapan road). Diretsuhin ang bayan ng Lubao hanggang dumating sa Pampanga at Bataan welcome arch.
Para sa mga magko-commute, maaari kayong sumaay ng Genesis or Victory Liner bus patungong Olangapo o Balanga, itanong sa driver o bus conductor kung dadaan sila ng Lubao at magpababa sa mismong gate ng Pradera Verde.
Lahat ng bus patungong Pampanga ay may stop over sa Lubao. Genesis bus stop over terminal is just a walking distance away from Pradera. For Victory Liner, its a 15-minute away from Pradera.
Eco-park, simbahan
Naghihintay na ang aming breakfast nang dumating kami sa Pradera. After ng masarap na kainan, pinapunta na ang aming grupo sa kanilang magagandang villa na swak na swak sa mga pamilya o magbabarkada.
Meron kasi silang ino-offer na packages na puwedeng pagpilian ng mga bisita – may duplex at villa na perfect para sa tatlo, anim, at walo and with breakfast na ‘yan. Bukod dito, may golf packages at wake park cable rates din sila. Para sa inquiries at reservation, maaaring mag-log on sa www.facebook.com/praderawakepark.
Aside from the resort, inilibot din kami ng staff ng Lubao Tourism, sa pangunguna ni Ricky Pablo, sa dalawang simbahan doon, ang St. Agustin Church, na idineklarang Important Cultural Property noong 2013 ng National Museum of the Philippines, at sa Holy Cross Church kung saan naroon ang Black Nazarene na natagpuan ng ilang magsasaka matapos ang pagsabog ng Mt. Pinatubo.
Nabisita rin namin ang umuunlad na Sta. Catalina Bamboo Negosyo Village kung saan makikita at mabibili ang mga produktong nagagawa mula sa kawayan, at ang mga upuang gawa mula sa lumang gulong ng sasakyan.
Dito rin dinadala ang mga basurang ginagamit na pang-culture sa mga bulate para maging pataba sa lupa. Nag-picture-picture rin kami sa Lubao Bamboo Nature Park. Nakaka-relax sa nasabing park dahil sa lamig na dala ng mga kawayan.
Bago maggabi, binisita rin namin ang Prado Farms kung saan makikita ang magagandang artifacts at souvenir items. Nabigyan din kami ng chance na mag-enjoy sa salty (infinity) swimming pool. Napakaganda ng pagkakagawa sa nasabing pool dahil nasa gitna ito ng tila gubat na siyang nagbibigay ng kakaibang feel sa mga magsu-swimming doon.
Panalo rin ang naging dinner namin sa wake park na inihanda muli ni Chef Paulo, tulad ng adobo, inihaw na liempo, bringhe at ang favorite naming inadobong balot.