Duterte itinaas sa P5M ang pabuya sa mga makakapatay ng drug lord

rodrigo duterte
ITINAAS ni President-elect Rodrigo Duterte sa P5 milyon ang pabuya sa mga makakapatay sa mga drug lord.

“Ang bayad ko ngayon, ‘pag drug lord, mag-announce na ‘ko, P5 million ‘pag patay. Kung buhay, P4 million 999 thousand lang,” sabi ni Duterte sa kanyang mensahe matapos isagawa ang kanyang victory Crocodile Park sa Davao City.

Nauna nang sinabi ni Duterte na magbibigay siya ng hanggang P3 milyon sa mga makakapatay o makakaaresto sa kada isang drug lord.

Idinagdag ni Duterte na magbibigay siya ng P2 milyon sa kadang makapatay na “distributor” ng droga. Nag-alok din siya ng milyong-milyong pera sa mga maaarestong distributor ng droga.

Samantala, P50,000 naman ang ibibigay na pabuya para sa mga “small time” na naglalako ng droga.

Sa kanyang talumpati na punong-puno ng mura, hinimok niya ang mga mamamayan na arestuhin ang mga drug trafficker sa kanilang komunidad.

Sinabi ni Duterte na maaaring barilin ng mga ordinaryong mamamayan ang mga drug trafficker sakaling manlaban habang inaaresto o manganib ang kanilang buhay.

“If lumaban at may baril, barilin mo; I will give you a medal. And if you do it every day, gawin kitang chief ng PC (Philippine Constabulary),” sabi pa ni Duterte.

Sa kanyang naunang pahayag, inatasan niya ang mga otoridad na ipatupad ang “shoot to kill” sakaling manlaban ang mga kriminal.

Read more...