Pelikula nina Michael at Edgar Allan R-13, pero walang putol

edgar allan guzman at michael pangilinan

MAGKAKASAMA kami nina Michael Pangilinan, #Hashtag Nikko Seagal Natividad and Edgar Allan Guzman sa Max’s ng SM Megamall early last Tuesday evening preparing for the red carpet premiere ng movie naming “Pare, Mahal Mo Raw Ako” directed by good friend Joven Tan, released by Viva Films.

Habang kumakain kami at nakikipagtsikahan sa ilan nating friends sa press (Pilar Mateo, Roel Villacorta and Leo Bukas), panay ang monitor ko kung may tao na sa sinehan. Kasi nga, hindi naman kami star-studded talaga like the Star Cinema-starrers kaya I expected na konti lang ang manonood.

But surprisingly, hapon pa lang ng Tuesday ay wala na raw mabiling premiere tickets. Nangilabot ako dahil parang unsual for an indie film na mala-mainstream ang dating para mapuno ang theater. So touching for us dahil full talaga ang suporta ng mga tagahanga nina Michael, Nikko and EA sa movie na ito.

Anyway, I’ve watched na the movie in its entirety during the special screening nito sa UP Theater a few months ago. Karamihan sa audience namin that time ay members ng LGBT and the actors’ supporters. Many think of it before as a gay film though hindi naman talaga – gay-themed lang siya pero hindi ito the usual gay films na napapanood natin na puro lampungan ng kabaklaan. No! No! No! Not that type dearies.

It’s a serious attempt to show how love conquers all – it talks about love and friendship and the real fun that goes with it. Nagkataon lang na isang gay at ang best friend nitong lalaki ang subject of the central characters played by Michael and EA pero hindi ito balahura. No offense meant sa mga naglipanang gay films around but “Pare, Mahal Mo Raw Ako” is a good film na nakakakilig, nakakaaliw, nakakaiyak and punumpuno ng puso.

Kaya nagulat talaga kami dahil sari-saring audience ang nakita namin sa sinehan, may mga mag-asawa, magsyota, teenagers, mga straight na lalaki and babae – they’re all there. As Ms. Tessie Tomas who was there to watch said, “Very beautiful film. Fresh and honest.”

Sabi naman ng isang blogger, “It’s a MUST-SEE dahil dito ninyo matutunghayan ang tunay na kahulugan ng tinatawag nating unconditional love for a friend na na-in love sa kaniyang best friend. It happens to the best of us. For sure naranasan na natin ang ganitong eksena sa buhay natin. It’s relatable kumbaga, Sa totoo lang naiyak ako”.

q q q

Superb din ang support ng mga co-actors nina Michael and EA, ang huhusay nila. Nakakatawa ang ilang scenes ni Nikko – naughty and sexy kasi. Wala pa siya sa #Hashtags ng It’s Showtime nang kunan ang mga sexy scenes na iyon.

Hanep ang comic antics nina Joross Gamboa at Matt Evans, sila ang nagsilbing komedyante ng movie. Sasakit ang tiyan mo sa kanilang mg punchlines . The language they used were real and normal and hindi pinutol ng MTRCB iyon ha, binigyan nga lang kami ng R-13 Without Cuts na rating. Super right enough ang rating na ito for the movie. Very happy kami with that.

The scenes of Ms. Ana Capri and Ms. Nora Aunor are fabulous. Maiksi man pero very strong ang dating. Perfect si Katrina “Hopia” Legazpi as Michael and EA’s lady-love cum best friend. I can’t think of anyone na mas babagay sa role na ginampanan ni Katrina rito.

Sa June 8 pa naman kami magri-regular showing kaya you have enough time to save money para mapanood ang magandang pelikulang ito. Mas na-appreciate ko ang final version nito last Tuesday sa premiere namin sa SM Megamall cinema 10. The soundtrack of musical genius Paulo Zarate is excellent. Our press friends are very happy with the result of this movie, maganda ng pagkagawa ni direk Joven Tan. Leo Bukas says that this is so far Direk Joven’s best work. May puso at ang ganda ng pacing.

The members of the LGBT community ay in full force to make this movie a success too. Very proud sila sa baby nilang si Michael dahil ito ang tumatayong male ambassador ng grupo for a couple of years already. Gusto raw nilang ibigay kay Michael ang much-needed support na kailangan nito for the said movie. Nakakatuwa, di ba?

Kita-kits na lang tayo sa June 8. Siyanga pala, nakakatuwa ang Michael’Overs, ang fan club ni Michael dahil nag-sponsor sila ng block screening for “Pare, Mahal Mo Raw Ako” sa Fisher Mall on that day at 2 p.m.. Siyempre, nandoon sina Michael at Nikko na alaga ko rin. They will be signing autographs at makikipagpiktyuran sa mga manonood sa block screening.

Sana talaga mag-hit ang movie sa takilya para matuwa naman kaming mga produ. Ha-hahaha! Kasama namin ni Direk Joven as co-producers ng movie sina Barangay Capt. Ernie Moya, Tito Fred Sibug and Carlos Sario. Kaya pakitain niyo naman kami. Di naman kayo lugi rito, ‘no! Masaya ang film at marami kayong matututunan sa usaping-pag-ibig. Believe me. Ha-hahaha!

Speaking of Michael Pangilinan, nasa Cebu City siya the whole day ngayon (actually hanggang midnight dahil may bar tour pa sila) para sa Smart Pocket WiFi 888. Abangan niyo siya diyan sa motorcade and store visits nila with the Smart group. Dami nilang pupuntahan kaya chances are na makakasalubong ninyo siya.

Read more...