Iya, Chynna susugurin si Marian sa ‘Yan Ang Morning’

iya chynna at marian

NGAYONG Huwebes, dalawang Kapuso celebrity moms ang magiging special guests ni Marian Rivera-Dantes sa Yan Ang Morning.

Ang soon-to-be nanay na si Iya Villania ay magbabahagi ng saya at kaba na kanyang nararamdaman sa pagiging first time buntis n’ya. Paano nga ba nila pinaghahandaan ng kanyang asawang si Drew Arellano ang pagiging magulang sa kanilang first baby?

Samantala, sa unang pagkakataon, lalabas na ang bagong nanay na ring si Chynna Ortaleza. Ano nga bang pinagdaanan n’ya bilang bagong panganak na nagbabalik showbiz? Anu-ano ang ginagawa niyang adjustments ngayong isa na siyang certified mommy?

Malalaman din ng manonood kung ano ang pagkakapareho ng mga mister nina Marian, Iya at Chynna na sina Dingdong Dantes, Drew at Kean Cipriano sa isang kuwelang laro. At isang recipe naman para sa weight conscious buntis ang ituturo ni Marian na sasabayan ng isang masuwerteng nanay mula mismo sa kanyang bahay.

Mapapanood ang Yan Ang Morning! sa bago nitong oras, 9:30 a.m. sa GMA.

Read more...