With Sharon Cuneta as its new recruited coach, the show became more interesting and hilarious. Kikay na kikay kasi ang bungisngis at medyo pikon na Megastar na game na game kung makipag-okrayan sa mga co-coaches niyang sina Lea Salonga at Bamboo.
Inamin mismo ni Lea na hindi scripted ang palitan nila ng comments during the blind auditions para kumbinsihin ang mga kids to be in their team. Kung ano ang naririnig at napapanood na eklayan nila ay totoo raw yun, pero wala naman daw personalan.
Aliw na aliw nga ang marami nang sa minsang pag-ikot ni Mega ay nag-360 turn ang kanyang chair, kaya nagkatuksuhan sa studio. Sey pa ni Sharon, “O, mapapahiya ang basher ko dahil patunay lang ito na gumaan na at pumayat ako!”
Sa kabilang dako, pinansin naman ni Lea ang mga kapwa-Popsters (Sarah Geronimo fans) na mas maging maingat sa pagbibigay ng komento sa show dahil pinararatangan ng ilan ang management na tinanggal at pinalitan sa show ang Royal Princess.
Sey ni Lea sa kanyang tweet, “To the Popsters, it was Sarah that wanted to take a break. Please support her decision and stop sending negative vibes to #TVK. Thanks.”
q q q
Speaking of Sarah G, naisulat nga natin ang pag-backout nito sa MTC Music Evolution event happening on June 24 sa MOA Arena produced by MTV Asia. As per her handlers, walang dapat ikabahala ang fans ng singer-actress dahil walang anumang seryosong isyu sa health ng Pop Princess na siya ngang sinabing dahilan ng pag-beg off nito sa event.
Siya lang sana at ang tandem nina James Reid at Nadine Lustre ang napili ng MTV Asia mula sa Philippines na maging bahagi ng naturang big music event that will also see famous recording and concert artists from various parts of Asia.
Hindi umano magagawa ni Sarah ang mabigyan ito ng kailangang oras, dahil sa mga commitment niya sa kanyang mga endorsements at pagsingit ng pag-aaral (hindi sinasabi ang kurso pero balitang may kinalaman daw ito sa business), plus iba pang recording commitments.
Smooth sailing pa rin naman ang relasyon nila ni Matteo Guidicelli na madalas nitong kasama sa gym bilang bahagi pa rin ng kanilang bonding moments at pagiging advocates ng good health and fitness.
In short, mas busy si Sarah sa ibang bagay at mukhang hindi na niya feel ang sumali pa sa mga MTV-MTV event na ganyan. Siguro may sawa factor na rin!