P106M jackpot bukas

lotto for site
Posibleng umabot sa P106 milyon ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa bola nito bukas ng gabi.
Ayon kay Atty. Jose Ferdinand Rojas II, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, walang tumaya sa mga lumabas na numerong 43-46-17-30-35-6 sa bola noong Lunes ng gabi.
Umabot ang jackpot prize sa P101 milyon sa naturang bola.
Nanalo naman ng tig-P200,000 ang limang mananaya na nakakuha ng limang numerong lumabas.
Tig-P1,880 naman ang napanalunan ng 437 mananaya na nakaapat na numero. Balik naman ang P20 taya ng 10,387 mananaya na nakatatlong numero.
Ang Grand Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.

Read more...