Kabataan puro Facebook, ROTC pinababalik

facebook
Masyado umanong abala ang mga kabataan sa Facebook at marami sa kanila ang hindi marunong humawak ng baril, ayon kay president-elect Rodrigo Duterte.
Kaya naman nais ni Valenzuela Rep. Sherwin Gatchalian na buhayin ang Reserved Officer Training Corps sa kolehiyo na mabilis umanong maisasabatas dahil suportado rin ito ni president-elect Rodrigo Duterte.
“It (ROTC) teaches discipline and nationalism… Dapat lahat tayo aware na puwedeng mangyaring lusubin tayo o ano pa man,” ani Gatchalian “The revival of the ROTC would help drive the point that although we are a small nation in economic and military terms, we will never back down from our fight for sovereignty in the West Philippine Sea.”
Sa panayam, sinabi ni Duterte na maraming kabataang lalaki ang humaling sa parti-text at Facebook.
“Our young men are presently too preoccupied with texting, Facebook, and other social media diversions that they don’t even know how to handle a rifle like we used to during our time.”
Noong 2001 binuwag ng Kongreso ang ROTC program.
“While we expect the US to come to our aid if [we are] attacked by a foreign force, the country must also be self-reliant. And to build up a credible self-defense force, the country must restore the ROTC that was once part of the college curriculum,” dagdag pa ni Duterte.

Read more...