Edgar Allan kinarir ang pagiging beki sa ‘Pare Mahal Mo Raw Ako’

edgar allan guzman

AFTER almost a year ay maipapalabas na finally sa mga sinehan sa June 8 ang pinakaaabangang gay-themed movie na “Pare, Mahal Mo Raw Ako” written and directed by Joven Tan.

Ito’y hango sa Himig Handog P-Pop Love Songs 2014 entry of the same title interpreted by Michael Pangilinan who also stars in the film with gay best-friend played by very good actor Edgar Allan Guzman. Gay-themed lang po ito, hindi po ito gay movie kaya kahit sino ay puwedeng manood – be an LGBT advocate or straight man and woman. R-13 without cuts ang ibinigay na rating ng MTRCB sa movie.

“Salamat sa Diyos at mapapanood na rin ng mga tao ang napakasayang pelikula naming ‘Pare, Mahal Mo Raw Ako’. Akala ko kasi mauunsiyami pa. Ha-hahaha! Sana suportahan nila dahil talagang ibinigay ko rito ang kaunting nalalaman ko sa pag-arte.

“Mamayang 7 p.m. ay may premiere night kami sa SM Megamall Cinema 10 kaya dapat na magkita-kita tayo roon,” ani Michael who, like his co-star in the movie Edgar Allan, also landed as finalist in the Your Face Sounds Familiar.

“Masaya ang pelikula, at nag-enjoy talaga kami ni Michael habang ginagawa namin ito. I know, maraming makaka-relate sa role ko rito na isang gay na na-in love sa kanyang best friend na ginagampanan nga ni Michael.

“Sigurado akong hindi kayo magsisisi kapag pinanood n’yo ang ‘Pare’. Sana suportahan nila ang launching movie ni Michael, he’s a revelation dito,” ani Edgar Allan who was not just fine in this movie but award-winning talaga ang acting.

“Hindi po ito isang gay movie, nagkataon lang na bading yung role ko na nagkagusto sa kanyang best friend na lalaki. But more than that, kailangang panoorin nila yung kabuuan ng pelikula, dahil may puso ito,” ani EA.

Ipinagmalaki rin ng direktor ng pelikula na si Joven Tan na siya ring nag-compose ng kantang “Pare Mahal Mo Raw Ako” ang kanilang obra. Sabi ni direk Joven, isa ito sa mga favorite movies na nagawa niya. Talagang kinarir daw niya ang bawat eksena para maging makatotohanan. Ayaw rin daw niya mapahiya sa mga manonood dahil isa rin siya sa producer ng movie.

“Hindi nasayang ang effort namin, punumpuno ng puso ang pelikula and I must say na perfect ang casting namin dito,” sabi pa ni direk na puring-puri rin sina Edgar Allan at Michael sa mga ginawa nilang eksena sa movie.

Kasama rin dito sina Ana Capri, Matt Evans, Joross Gamboa, Nikko Seagal Natividad, Miggy Campbell and Ms. Nora Aunor in a very special role. “We assure you na meron kaming magandang ihahain sa inyo, simpleng kuwento pero inspiring at may puso. You will fall in love sa bawat character sa kuwento,” pagmamalaki pa ni Direk Joven.

Read more...