Michael: Malay natin, baka bigla po akong ma-in love sa bading!!!

michael pangilinan

KASAMA ni Direk Joven sa pag-produce ng “Pare, Mahal Mo Raw Ako” sina Fred Sibug, Carlos Sario, Jr., Capt. Ernie Moya at ang inyong lingkod.

Nakakatuwa, dahil all out ang support ng LGBT community sa launching film na ito ni Michael. They will be very proud of our anak because of how he showed respect to the gays in “Pare, Mahal Mo Raw Ako” the movie.

“Michael Pangilinan is truly an ambassador of the LGBT community because he supports the fight for equal rights through his song and this movie. Hindi siya takot manindigan kahit straight pa siya at mahal na mahal niya ang LGBT,” says Ms. Bems Benedito, Chairperson, Ang Ladlad LGBT Party. “Kaya ang maibabalik namin sa suporta niya sa amin ay ang pagsuporta sa pelikula niyang ito. Sisiguraduhin naming ang LGBT community ay pipila at manonood nito,” Ms. Bems added.

“Love is universal. Hindi lang para sa iyo, hindi lang para sa akin – para sa lahat iyan. And mind you, dapat sa love walang gender-gender. Patas tayong lahay sa ngalan ng pag-ibig. I may not have a gay relationship in the past pero who knows, baka bukas-makalawa ay ma-in love ako sa isang gay. Kaya mahirap magsalita nang patapos.

“Kung maaari sana ay sa girl lang ako, sabi ko nga, no offense meant ha, di ko naman kailangan ng gay lover eh, pero hindi natin hawak ang kapalaran natin. Baka one day ay makatagpo ako ng isang mabait na gay na makahulugan ko ng loob. Mahirap sabihin pero malay natin,” Michael ends na kabadung-kabado actually sa kalalabasan ng movie niya. Ganoon talaga anak, parang nanganganay lang.

Kaya guys, see you at SM Megamall Cinema 10 at 7 p.m. mamaya at sa ibang hindi makakadalo, abangan niyo na lang ang pagdagundong ng “Pare, Mahal Mo Raw Ako” sa lahat ng sinehan nationwide this coming June 8, released by Viva Films!

Read more...