Darren napikon, niresbakan ang mga traydor

darren espanto

MUKHANG hindi na rin nakatiis ang young Kapamilya singer na si Darren Espanto, niresbakan na rin nito ang kanyang mga bashers.

Nitong mga nakaraang araw, may mga lumalabas na balita na may mga naninira at nanlalait kay Darren bilang singer. Kaya naman napilitan na itong mag-post sa Instagram ng tungkol sa mga “backstabbers”. “Don’t worry about backstabbers, they’re the people who tried their hardest finding faults in your life instead of fixing the faults in theirs,” ang mensahe ni Darren.

Bago ito, nag-post din ang The Voice Kids runner-up sa IG ng tungkol sa mga traydor sa pamamagitan ng isang litrato kung saan mababasa ang mensaheng, “Don’t worry about those who talk behind your back, they’re behind you for a reason.” Pero agad din niya itong binura.

Agad namang nagpadala ng mga mensahe ang fans ni Darren para iparating dito na “nandito lang kaming mga Darrenatics para suportahan at ipagtanggol ka!”

Read more...