Upuan ni Mega sa The Voice agaw-eksena; Biglang umikot nang bonggang-bongga

sharon cuneta

NAKIUSAP si Lea Salonga sa kanyang social media followers na ipa-trend ang hashtag #Sharon360 habang ipinalalabas ang episode ng The Voice Kids Season 3 last weekend.

Sa isang eksena kasi sa programa, sa halip na 180-degree-turn lang ang gawin ni Megastar Sharon Cuneta bilang isa sa mga judge sa Blind Auditions ng singing search ay nag-360-degree-turn ang kanyang chair para sa isang contestant.

Ginawa na lang katatawanan ni Sharon ang nasabing eksena at nag-dialogue ng, “Sabi ng basher ko, baka raw hindi gumalaw ang silya. Tingnan mo, gumaan ako, dalawang beses umikot.

Sinuportahan naman ni coach Lea si Mega sa kanyang unang dalawang episode ng The Voice Kids. Habang umeere ang programa, todo-todo ang pagpo-post ng Broadway superstar sa kanyang social media accounts ng mga nagaganap sa show.

Papuri nga niya kay Sharon, “Told you guys, Sharon is doing great! #VoiceKids3PH!”
Nag-post din siya ng “#Sharon360. I want this to trend. #VoiceKids3PH!” para nga sa pinag-uusapang blooper ni Mega.

Read more...