Cayetano sinabing 15 senador suportado siya sa Senate presidency

cayetano
SINABI ni Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano na 15 senador na ang sumusuporta sa kanyang pagtakbo bilang Senate president, samantalang ayon naman kay Sen. Vicente “Tito” Sotto III, 18 senador ang nagbigay ng suporta sa isa pang tumatakbo.
Meron lamang 24 na senador ang Senado.
“Kung ngayon ang election, there are more than 15 or there are about 15 that have committed, but as I’ve said hindi naman ngayon ang election…,” sabi ni Cayetano.
Idinagdag ni Cayetano na ilan sa mga senador ay pumirma na sa isang resolusyon na sumusuporta sa kanyang bilang susunod na Senate president.
“I don’t want it to be a game of number at this point. And as I said, yung iba nandun nakapirma yung iba naman gave their commitment pero nagpapaalam muna,” dagdag ni Cayetano.
Kinontra naman ni Sotto ang pahayag ni Cayetano sa pagsasabing isa si Senator-elect Manny Pacquiao sa 118 senador na nangako ng suporta sa isa pang kandidato.
“Eighteen kami,” dagdag ni Sotto.
Nauna na nang sinabi ni Sotto na kinukumbinsi siya ng kanyang mga kasamahan na tumakbo bilang Senate presidente.
Idinagdag ni Sotto na nakikipag-usap din sa kanilang grupo si Sen. Aqulino “Koko” Pimentel III, na naunang nagsabi na nais din niyang tumakbo bilang Senate president.

Read more...