Hinarang ng prosekusyon ang hiling ni Sen. Jinggoy Estrada na makalabas ng kulungan para makadalo sa pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang ina na si dating Sen. Loi Ejercito.
Ipinaalala rin ng prosekusyon sa Sandiganbayan Fifth Division na ibinasura na nito ang kaparehong mosyon noong nakaraang taon.
“Verily, to depart from the resolution would create an impression to public that Sen. Estrada, being a high-ranking public official, is a favored detainee over and above other similarly situated detainees,” saad ng mosyon. “It is with greater reason that the above motion should be denied in view of the denial of Accused Estrada’s Petition for Bail.”
Hiniling din ng prosekusyon na huwag din pagbigyan ng korte ang mosyon ni Estrada na makalabas para makadalo sa huling sesyon ng Senado at makuha ang kanyang mga gamit sa Hunyo 6 -8.
Sa kanyang mosyon, hiniling ni Estrada na makapunta sa pagdiriwang ng ika-86 kaarawan ng kanyang ina mula 8 ng gabi hanggang 12 ng hatinggabi sa 409 Shaw Blvd., Mandaluyong City.
“For all years of accused’s life the Estrada family have been always together on this special occasion except last year when accused was not allowed by the Court,” saad ng mosyon ni Estrada. “The occasion will be for a thanksgiving mass and dinner.
Ang senador ay nakakulong sa PNP Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City. Siya ay nahaharap sa kasong plunder kaugnay ng pagtanggap umano ng kickback mula sa mga non-government organization ni Janet Lim Napoles kung saan napunta ang bahagi ng kanyang pork barrel fund.
Hiling ni Jinggoy na pumunta sa bday ng ina hinarang
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...