Sharon umani ng papuri sa unang pagsabak sa The Voice, trending sa Twitter
UMANI ng papuri mula sa netizens ang unang pagsabak ni Megastar Sharon Cuneta sa pagsisimula ng The Voice Kids Season 3 ng ABS-CBN. Sa katunayan, nag-trending pa nga sa Twitter at iba pang social media ang pilot episode ng nagbabalik na reality talent search ng Kapa-milya network.
Ayon sa ilang netizens, light lang at nakakaaliw mag-judge si Mega at ibang-iba sa naging style nito sa paghuhurado sa Your Face Sounds Familiar. Komento ng isang nakapanood sa pilot episode ng TVK season 3, “Refreshing ang presence ni Shawie sa TVKids. Aside from being honest, nabawasan din ang pagtawa-tawa ni Mega na siyang nakakairita sa kanya!”
Sey naman ng isang Sharonian, “Thank you ms @sharon_cuneta12 for being the coach while wala si sars. Sana po sa inyo manggaling ang bagong champion. Katuwa po kayo.” Tweet ng isa pang netizen, “Coach Sharon Cuneta made my day so much. ABS made the right decision to get Sharon as replacement of Sarah G.””
“In fairness ang saya ng #thevoicekids3ph kanina. Kayang-kaya makipagsabayan ni Sharon Cuneta kay Lea at Bamboo,” comment naman ng isa pang nakapanood ng TVK3. Kahit nga ang komedyanang si Candy Pangilinan ay nag-tweet para batiin si Mega sa unang paglabas nito sa The Voice Kids, “Nakakaaliw si ms. Sharon Cuneta sa The Voice.”
Isa pang Twitter user ang nag-comment nang biglang umikot nang bonggang-bongga ang chair ni Mega, “Just scanning through the channels tapos bigla mong makikitang nag-360 yung chair ni Sharon Cuneta sa #thevoicekids3ph. Nawala lagnat ko. Thank u.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.