P100M jackpot sa Grand Lotto

lotto for site
Inaasahang aabot sa P100 milyon ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa bola sa Lunes.
Ayon kay Atty. Jose Ferdinand Rojas II, general manager, ng Philippine Charity Sweepstakes Office, walang tumama sa P96.8 milyong jackpot prize sa bola noong Sabado ng gabi.
Lumabas sa naturang bola ang mga numerong 28-16-6-44-4-39.
Nanalo naman ng tig-P105,670 ang 10 mananaya na nakalimang numero.
Tig-P1,120 naman ang tinamaan ng 749 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 15,746 mananaya na nakatatlong numero.
Ang Grand Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.

Read more...