PRANGKAHANG sinabi ni President-elect Rodrigo Duterte na hindi sumagi sa kanyang isip na bigyan ng posisyon sa kanyang Gabinete si Vice Presidente-elect Leni Robredo.
“That never entered my mind,” sabi ni Duterte matapos tanungin kung anong posisyon ang ibibigay kay Robredo.
Napikon pa si Duterte nang kulitin ng mga miyembro ng media.
“No, I don’t even know here!” dagdag ni Duterte.
“I’m not trying to be smart aleck, but I’m still trying to figure out the selection in my own group and party. I shouldn’t be looking beyond my borders,” ayon pa kay Duterte.
Kinontra ni Duterte ang naunang pahayag ng kanyang running mate na si Sen. Alan Peter Cayetano na pinag-iisipan na niya ang bagay na posisyon para kay Robredo.
“Why should I talk to her? I said I’ve not considered anything for her. I am more worried about where I would place the friends na nagkautang ako ng loob,” giit ni Duterte.
Kasabay nito, itinanggi ni Duterte ang alegasyon na pinapaboran lamang niya ang kanyang mga kaibigan, mga dating naging roommate at kasama sa fraternity sa pagtatalaga sa iba’t ibang posisyon.
“Ako kasi probinsyano. The only time I went to Manila ay noong nag-aral ako. So ang aking sphere of influence, sa dorm, sa school at mga brod ko na close sa akin. Even when I was a congressman, I wasn’t socializing actually,” giit ni Duterte.
“Ang kilala ko lang mga ka-brod ko at kababata ko na mahusay and then I said, I could not have selected from a larger portion of the population for the simple reason that ang horizon ko or dimension ko sa aking pagkatao limitado ako, school dorm, friends mga kabrod, yun lang, lahat taga-Davao na,” sabi pa ni Duterte.