AlDub fans bitin na bitin kina Maine at Alden

SOBRANG miss na ng mga dabarkads talaga sina Alden Richards at Maine Mendoza. Panay kasi ang tweet nila at sinasabing hinahanap hanap na nila ang dalawa. Meron pa ngang isang fan na inisa-isa ang mga first ng AlDub sa twitter.
Pero kahit wala pa rin ang dalawa ay patuloy pa rin ang support ng mga netizens at fans nila sa pagtutok sa Eat Bulaga at sa Kalyeserye. Sa ngayon ay umaabot sa 636K tweets ang #ALDUBSepAnx
Samantala, ipinakita naman ang adventures nila Alden at Maine sa Italy sa pamamagitan ng isang short video presentation. Sa naturang video ay mapapanood ang dalawa na sweet na sweet at mukhang enjoy ang paglalamiyerda sa Italy. Pinakilala din ang kasama nilang Pinoy and Italian na kasama sa pag gawa ng kanilang pelikula. Na meet pa nila ang mayor ng Coma, Italy at one point.
Nakaabang ang lahat sa pagbabalik ng dalawa pero hindi sila sabay dahil mauuna si Alden dahil may mga natitira pang commitment sa Pilipinas habang si Maine naman ay nagpaalam kay Lola Nidora na may dadaanan muna.

Read more...