Bata ni PNoy buo sweldo kahit di na nagtatrabaho?

DA who ang isang miyembro ng Gabinete ni Pangulong Aquino na usap-usapan sa Malacañang na wala nang ginawa kundi mag-time in at pagkatapos ay aalis na ng opisina sa tanghali?

Sa nalalabing isang buwan na lamang ng termino ng kasalukuyang administrasyon, hindi na talaga nagtatrabaho ang ilang opisyal ng Palasyo at kabilang na rito ang secretary na ito.

Naging abala ang kalihim na ito sa pangangampanya para sa isang presidentiable at wala naman itong pormal na deklarasyon na siya ay on-leave sa kanyang pagiging opisyal kaya inaasahan na patuloy ang kanyang pagtanggap ng sweldo habang abala sa pag-iikot noon para sa isang kandidato.

At ngayong tapos na ang kampanya at talunan naman ang sinuportahan, naghihintay na lamang ang opisyal na matapos ang termino ni PNoy.

Bagamat hindi na nga nagtatrabaho, sumuweldo pa rin naman ang opisyal bilang isang secretary level ng Gabinete.

Kahit sa tweet, bihirang sumagot ang kalihim kaya hindi maiwasang sabihin ng mga ordinaryong empleyado ng gobyerno na sarap ng buhay ng opisyal na ito na kahit di na nagtatrabaho ay buo pa rin ang sweldo.

Napakalaki ng mga sinusweldo ng mga opisyal na ang item sa gobyerno ay nasa secretary level kaya masyadong sinuwerte ang kalihim na ito na kahit hindi nagtatrabaho ay tumatanggap pa rin ng sweldo mula sa pamahalaan.

Gusto n’yo ba ng clue sa opisyal?
Heto pa, hindi mamatay-matay ang tsismis sa opisyal na ito at kanyang subordinate, bagamat kapwa

may pamilya na sila.

Nitong mga nakaraang araw, usap-usapan na may LQ ang dalawang opisyal dahil nakasimangot ang opisyal na babae nang lumabas sa opisina nila at nakasunod naman ang mas mataas na opisyal.

Pinagbuksan pa ng pintuan ng sasakyan ng opisyal ang kanyang subordinate na hindi maipinta ang mukha nang sumakay, bagaman iba ang sinakyang sasakyan ng kalihim.

Nahuhulaan n’yo na ba?

Heto pa ang clue, inaasahan na ibabalik na rin sa dati ang setup ng opisina kung saan napapabilang ang kalihim na halatang ginawa lamang ni PNoy para ma-accommodate ang mga taong tumulong sa kanyang kampanya noong 2010.

At ngayon ngang papatapos na ang termino ni PNoy, akma pa rin ang naging pahayag noon ni dating pangulo at ngayon ay Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na “weather-weather lang yan” kung saan tapos nang mamayagpag ang mga tao ni Aquino.

Sa pagpasok ng administrasyon ni incoming president Rodrigo Duterte, inaasahan naman na ang kanyang mga tao ang maghaharian sa gobyerno.

Nangako ng pagbabago si Duterte, abangan natin kung talagang “change is coming.”

Read more...