Kilalang female star pumipikit na lang pag nakakakita ng masarap na pagkain

 

PURO pagtitiis pala ang ginagawa ngayon ng isang pamosong babaeng personalidad. Kailangan niyang disiplinahin ang kanyang sarili dahil kung hindi ay walang milagrong magaganap sa isang seryosong planong nasimulan na niya.

Siya lang ang susi para sa katuparan ng kanyang mga pangarap, walang ibang makatutulong sa kanya kundi ang sarili lang niya, kaya kailangan niyang magsakripisyo nang todo-todo. Mahirap, pero ayon sa kanyang mga kaibigan ay masayang-masaya ang female personality, dahil kapag humaharap siya sa salamin ay unti-unti nang napapansin ang pagbabago ng kanyang itsura.

Kuwento ng isang source na malapit sa singer-actress, “May leeg na siya ngayon! Dati kasi, e, parang ipinatong lang ang ulo niya sa leeg niya, walang puwang! Pero ngayon, medyo lumalabas na ang mga buto niya sa leeg.

“Ang katawan niya, e, numipis na rin, hindi na punumpuno, pumayat na nga siya. Sobrang sakripisyo naman kasi ang pinagdadaanan niya ngayon, disiplina kung disiplina siya sa paglafang. “Tiis kung tiis ang ginagawa niya. Gusto man niyang kumain nang kumain, e, wala siyang magagawa dahil ‘yun ang kabilin-bilinan ng kanyang mga doktor, disiplina.

“Nagpipikit na lang siya ng mga mata kapag nakakakita siya ng masasarap na pagkain, siya mismo ang nagpapaalala sa sarili niya, ‘Kaya mo ‘yan! Kaya mo ‘yan!’ “At talagang kailangan niyang kayanin ang lahat dahil kung hindi, kapag humarap siya sa salamin, e, pagtatangkaan na naman niyang basagin ‘yun sa sobrang inis!” tawa nang tawang kuwento ng aming source.

Bradly Guevarra, pramis, ito ang blind item na wala nang kailangang clue. Kilalang-kilala mo kung sino ang bumibida sa ating istorya, hinding-hindi ka maliligaw, paborito mo siya!

Read more...