Jason: Wag kayong mag-alala, OK po kami ni Melai…I love you Hon!

melai at jason francisco

OKAY na raw sina Melai Cantiveros at Jason Francisco. Ito’y matapos ngang kumalat ang balita na nagkahamunan ng hiwalayan ang mag-asawa for some personal reasons. Sa nakaraang episode ng Tonight With Boy Abunda, mismong si Jason na ang nagsabi na wala silang matinding problema ng kanyang asawa.

Kama-kailan, nag-alala ang mga fans ng mag-asawa nang mag-post si Melai ng makahulugang mensahe sa kanyang Instagram account, aniya, “MelaSon is over.” Paliwanag ni Jason, “Nawala ang account namin, na-hack. MelaSon, ‘wag po kayo mag-alala. Okay na okay po kami ni Melai. I love you, hon.”

Ngunit sa mga naging pahayag ni Boy Abunda, mukhang totoo ngang may problema ang dalawa. Sabi ng TV host, “Ayon sa mga mapagkakatiwalaang sources, nagkakaron daw ng problema si Melai at Jason and isa ako dun ako sa malulungkot na tao, kung magkakahiwalay si Melai at si Jason, dahil sa marami nilang pinagdaanan to be able to save this relationship. Kung nasaan man yung masaya nilang pagsasama ay marami silang pinagdaanang sakripisyo.”

Pinayuhan din ng King of Talk ang mag-asawa, “Jason, Melai, if you’re watching, avoid social media at this point. Jason I know that even if you deny, and that’s the gentleman’s way of handling this problem, may mga nagsasabi na yes they’re going through problems.

“Whatever they are, whether it is something to do with work or personal, kahit ngayon lang sa pagkakataong ito, stop expressing your feelings sa social media dahil ang hirap bawiin.”

 

Read more...