Kung bibigyang pangalan ang private part, Piolo tatawagin niya raw itong ‘Diego’; May favorite na kanta para sa sex

piolo pascual

KUMITA ng P13 million sa opening day ang pelikulang “Love Me Tomorrow” nina Piolo Pascual, Coleen Garcia at Dawn Zulueta, base na rin sa Instagram post ng Star Cinema.

In fairness, marami ang nagandahan sa pelikula na idinirek ni Gino Santos. Bukod kasi sa tema ng pelikula, kakaiba rin daw ang naging ending nito. Nakadagdag din ang pagbibigay ng Graded B ng Cinema Evaluation Board sa nasabing proyekto.
As expected, marami ang pumuri sa acting ni Piolo sa movie kung saan gumaganap nga siyang lover ni Dawn at boytoy ni Coleen. Hindi pa namin napapanood ang “Love Me Tomorrow” pero dahil sa mga kuwento ng aming friends , mas lalo kaming na-excite na panoorin ito.

Samantala, kahit hindi na pala magtrabaho ngayon si Piolo ay mabubuhay na siya nang masagana sa loob ng maraming taon. Inamin niya sa Tonight With Boy Abunda na financially stable na siya. “I’m very practical. I started saving as soon as I started working. I don’t want to say I’m wise with my money but I make sure I have something for the future,” sey ng binata.

Namana raw niya ang pagiging wais sa pera sa kanyang mommy, “From the time we started working my Mom made sure na you have to value work, you have to value money. Because when I worked in the States, yun yung una kong napag-aralan, how to value hard work.”

Inamin din ni Piolo kay Boy Abunda na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya confident sa pagiging aktor, “I’m never confident as an actor. I like the feeling of being intimidated. I like the feeling of being unsure…gusto ko du’n nanggagaling ang excitement. From your gut, yung nervousness, yung fear.”

Para naman sa mga nagsasabi na sa kabila ng pagsulpot ng mga heartthrob at batang artista, siya pa rin ang number one sa listahan ng mga kababaihan in terms of kagwapuhan. “Lumaki kasi akong hindi pogi e, so I never really look at myself as standout or pogi in that sense. I was never a heartthrob in school,” sagot ni PJ.

Kung mabibigyan ng chance, type ring maging producer ni Piolo, “Gusto kong mabigyan ng break yung mga bata na nag-a-aspire magkaroon ng trabaho bilang scriptwriter, bilang direktor. It’s one way of giving back to the industry that gave me life.”

Sa Fast Talk segment naman ng TWBA, parehong pinili ni Piolo ang sex at box-office hit movie. Ang best song naman daw para sa kanya habang nakikipag-sex ay “The Look of Love”. Kung bibigyan naman daw niya ng pangalan ang kanyang private part, tatawagin daw niya itong “Diego.”

Read more...