Kilig moments nina Elmo at Janella sa Japan inaabangan na sa ‘Born For You’

elmo magalona at janella salvador

SOBRANG trapik sa Scout Torillo, Quezon City noong Miyerkules ng hapon dahil isinara ang kanto ng Scout Gandia. Doon kasi nag-taping ang bagong serye ng ABS at Dreamscape Entertainment na Born For You na pagbibidahan nina Elmo Magalona at Janella Salvador.

Marami kasing nanonood sa taping at nakita namin ang grupo ni Janella sa labas ng isang flower shop (kanto ng Scout Gandia corner Scout Torillo) na may kausap na hindi namin kilalang aktor. Hindi namin nakita roon si Elmo.

Maagap naman ang mga barangay tanod na siyang umaayos ng daloy ng trapiko sa lugar kaya hindi rin naman nagtagal ang haba ng pila ng mga sasakyan.

Excited na ang fans nina Janella at Elmo sa nalalapit na airing ng Born For You sa darating na Hunyo. Ito ang unang pagtatambal ng dalawa, at unang teleserye ni Elmo mula nang lumipat siya sa ABS-CBN.
Napanood na rin namin ang trailer ng Born For You na kinunan noong nasa Japan sina Elmo at Janella at kaya pala excited ang followers nila dahil nakakakilig ang mga eksena ng dalawa sa nasabing bansa.

Read more...