Bianca Umali bibida sa ‘Alamat ng Gagamba’

bianca umali

ISANG gagamba ang bibigyang-boses ni Kapuso young actress Bianca Umali sa Alamat ngayong Linggo.

Kapag tag-ulan, naglalabasan daw ang mga gagamba. Dahil laging umuulan sa ating bansa mula Hunyo hanggang Disyembre, kataka-taka bang ang Pilipinas ang may pinakamaraming uri ng gagamba sa buong Asya? Sa ikatlong episode ng bagong aklat ng Alamat, malalaman ang pinagmulan ng unang gagamba.

Si Bianca ay si Anlalawa, ang anak ng mga manghahabing sina Himaya at Patok. Mula pagkabata ay nagpakitang-gilas na si Anlalawa sa paghabi, hanggang malampasan na niya ang galing ng kanyang ina. Dahil sa kanyang husay, naging mayabang si Anlalawa at walang pakundangan sa paglapastangan ng kanyang magulang. Dahil sa kayabangan ni Anlalawa, naisipan ng Diyosa ng Paghabi na siya’y hamunin sa isang paligsahan, at hindi patatalo si Analawa.

Abangan ang mahiwagang kuwentong ito sa Alamat ngayong Linggo, 5:15 p.m. sa GMA.

Read more...