Best Actor award ni Jake sa Brazil dinedma lang

jake cuenca

ISA pang good news, nanalo ring Best Actor si Jake Cuenca sa World Cinema Festival Brazil. But unlike Jaclyn and Sid’s victory, mukhang hindi ganu’n kabongga ang reception ng showbiz sa tagumpay ng hunk actor.

Ang tsika pa ay sa same indie movie na ginawa ni Jake last year ito nanalo at naiikot na rin sa mga film festivals abroad.

Wala kaming nabasa o nabalitaang bonggang pagkilala kay Jake, pero deserve din naman siguro ng hunk actor ang mabigyan ng tamang pagkilala.

It is still a good achievement di ba? Yun nga lang, mas dapat sigurong mapatunayan ni Jake sa sarili niyang bansa ang nakita sa kanyang husay dahil kumpara kina Jaclyn at Sid na mga multi-awarded artists sa lahat halos ng award-giving bodies dito sa atin, parang kapus na kapos pa si Jake.

Read more...