PSL Annual Rookie Draft aarangkada ngayon | Bandera

PSL Annual Rookie Draft aarangkada ngayon

Angelito Oredo - May 27, 2016 - 01:00 AM

INAASAHANG mapupuno ng drama at pananabik ang isasagawa ngayon ng Philippine Superliga (PSL) na Annual Rookie Draft sa Music Hall Oval Venue ng SM Mall of Asia sa Pasay City.

Nakatuon sa UAAP champion na si Ara Galang ng La Salle at dating NCAA Best Attacker CJ Rosario ng Arellano University ang aktibidad kasama ang 16 na iba pang rookie aspirants sa mga pagpipilian.

Ang 21-anyos at dating UAAP Most Valuable Player na si Galang ay una nang nagsabi na nagdadalawang-isip kung sasali sa draft pool dahil nais nitong tapusin ang kanyang pag-aaral habang nagpapagaling sa kanyang tuhod.

Subalit ikinagulat ng lahat ang biglang pagsali ni Galang sa Rookie Camp noong Martes na nagbigay atensiyon sa lahat ng koponan na sasailalim ito sa selection process at maaaring maging top overall pick.

Sinabi mismo nito na sasali ito sa draft habang asam ang mapunta sa bagong bihis na F2 Logistics, na binubuo na nina Mika Reyes, Cyd Demecillo, Kim Fajardo, Kim Dy at ilang dating miyembro ng Lady Spikers.

Una nang natuon ang posibleng top pick kay Rosario, ang 6-foot-1 middle blocker na agad na nakakuha ng ekspiriyensa sa PSL sa pagtulong sa Petron makatuntong sa semifinals ng pre-season na Invitationals.

Gayunman, ang RC Cola-Army, na hawak ang karapatan sa top overall pick, ay aminado na malaking problema sa kanila sinuman ang piliin kina Galang at Rosario dahil ang dalawang spikers ay posibleng makatulong sa kanilang asam na ikaapat na korona sa PSL.

“Both of them are very good. They are the rising stars in this league,” sabi ni RC Cola-Army coach Kungfu Reyes. “But we haven’t sat down to discuss our draft choice. This is a very crucial decision. We have to do a lot of research and studying before coming up with a choice.”

Inihayag mismo ni PSL president Ramon Suzara ang gaganapin na draft ay kakaiba at maraming hindi inaasahang magaganap sa selection process dahil sa implementasyon ng tatlong araw na trading period na posibleng magbago sa proseso kung sino ang unang pipili.

“We don’t know who will end up with whom,” sabi ni Suzara, na executive council member ng FIVB at AVC.

“For now, RC Cola-Army owns the top overall pick. But we may never know. Maybe they have already traded their pick to another team to acquire a veteran who can help them win another title. Let’s wait until the draft proper.”

Maliban kay Galang at Rosario, inaasahan din na makukuha sa first round ang dating Arellano stalwarts na si Danna Henson, Shirley Salamagos at Angel Legacion pati si Asi Soliven ng National University, Mary Grace Berte ng Holy Cross of Davao at Marlyn Llagoso at Jerra Mae Pacino ng Southwestern University sa Cebu.

Kabilang din sa pool sina Renelyn Raterta ng University of Mindanao, Jonah Sabete ng Bulacan State University, Gen Casugod ng Far Eastern University, Sheryl Laborte ng University of Negros Occidental, Lourdes Patilano ng Adamson University, Sarina Bulan ng University of the East at Christine Suyao ng Emilio Aguinaldo College.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Unang pipili ang RC Cola-Army sa orihinal na listahan kasunod ang Generika, Perpetual, Standard Insurance-Navy, F2 Logistics, Cignal, Petron at Foton, na tinanghal na PSL Grand Prix champion.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending