Chess itutulak na maging regular event sa SEA Games at Asian Games | Bandera

Chess itutulak na maging regular event sa SEA Games at Asian Games

Angelito Oredo - May 27, 2016 - 01:00 AM

HIHIMUKIN ng bagong pamunuan ng ASEAN Chess Confederation (ACC) ang mga namumuno sa Southeast Asian Games Federation Council at Asian Games Federation na gawing permanenteng event ang Chess kada idaraos ang dalawang internasyonal na torneo.

Isiniwalat ito ni National Chess Federation of the Philippines (NCFP) executive director at Grandmaster Jayson Gonzales matapos ipaalam ang nalalapit na pagpupulong ng ACC sa Singapore sa darating na Hunyo 4. Tatlong Pilipino ang opisyal na nahalal sa nasabing asosasyon.

“One of the agenda in the meeting is to convince the SEAGFC and the Asian Games Council for chess to become a regular event in the SEA and Asian Games,” sabi ni Gonzales, na dadalo sa pulong bilang isa sa apat na bagong halal na vice president ng kompederasyon na may termino simula 2016 hanggang 2018.

Pinakauna sa hakbang ay ang maisama na lagi ng SEAGFC ang chess sa SEA Games partikular na sa darating na ika-29th edisyon ng kada dalawang taong torneo na gaganapin sa Kuala Lumpur, Malaysia sa 2017.

Isa ang chess sa mga tinanggal na sports ng susunod na host sa SEA Games.

Ang tatlong nahalal sa opisyales sa ACC ay sina NCFP president-chairman at newly-elected Surigao First District Rep. Prospero Pichay, Jr. bilang bagong pangulo, Gonzales na itinalaga bilang vice-president at deputy secretary-general na si Romualdo Dumuk.

Magsasadya rin sa kumperensya sina Pichay bilang bagong pangulo na pumalit sa nagbitiw sa puwesto na si Indonesian GM Utut Adianto, na isa ng senador sa kanyang bansa, at si Dumuk.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending