IG post ni James Reid para sa GF na si Nadine Lustre nag-trending

Screen grab from James IG account
Who says you can’t be sweet on social media?

Kilig na kilig ang JaDine fans mula umaga hanggang ngayon dahil sa isang sweet gesture na ginawa ni James Reid para sa real life girlfriend nyang si Nadine Lustre.

Nagpost kasi ang This Time leading man ng special IG post kung saan hinilera nya ang white background photos to highlight a very sweet photo nila ni Nadine kissing with a number 23 sa gilid indicating his 23rd birthday.

“The best birthday party I’ve ever had and I’ve had some WILD ones. #thankslove” ang caption ni James sa mga photos. Agad-agad namang nag trend ang #thankslove sa Twitter at todo kilig pa rin hanggang ngayon ang mga fans.

“Yung tinatamad pako bumangon for work pero nung nakita ko to, napaupo agad ako I have my energy now #thankslove” sey ng isang fan from Twitter.

Inobserve naman ng isang fan na mula nu’ng 21st birthday ni James ay thank you lang ang nasabi nya pero ngayon daw ay may love na raw na kasama.

Up to now umaabot na ng 30 thousand tweets ang #thankslove ni James and still counting.

Read more...