Courier naka-P7M sa lotto

lotto for site
Isang courier ang isa sa dalawang maghahati sa P15.7 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 noong Mayo 13.
Kinuha na ng 45-anyos na lalaki ang kanyang premyo sa main office ng Philippine Charity Sweepstakes Office.
Siya ay mayroong dalawang anak at taga-Quezon City.
Plano niyang bumili ng sariling bahay at mag-negosyo. Magtatabi rin siya para sa kinabukasan ng kanyang mga anak.
Nagkakahalaga ng P20 ang kanyang taya ng manalo.
Ang kasama niyang tumaya sa mga numerong 4-5-10-18-25-29 ay tumaya sa isang factory worker na taga-Cavite.

Read more...