Trudeau binati na si Duterte sa pagkapanalo; Digong nangakong bibigyan ng hustisya ang pagpugot kay Ridsdel

Trudeau-Duterte
BINATI na ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau si presumptive Presidente-elect Rodrigo Duterte sa kanyang pagkapanalo kung saan nangako naman ang mayor na bibigyan ng hustisya ang pagpugot ng teroristang Abu Sayyaf sa Canadian national na si John Ridsdel.
Si Trudeau ang ikalawang lider na tumawag kay Duterte para siya batiin matapos namang manalo sa nakaraang eleksiyon sa pagkapangulo.
Sinabi ni Duterte na umabot ng siyam na minuto ang kanilang pag-uusap ni Trudeau noong Martes.
“It was a civil one. [We talked about] human rights, the Universal Declaration of Human Rights. I said, ‘Fine. I’ll follow it’,” sabi ni Duterte.
Matatandaang sumikat si Trudeau matapos ang kanyang pagbisita sa Pilipinas noong Nobyembre kung saan dumalo siya sa Asia Pacific Economic Conference (APEC) na ginanap sa bansa.
“I said that we are partners. May we remain to be partners for all time. I am aware that many Filipinos are working there with work permits. Some of them are immigrants. And I am happy that they have found protection even in the labor laws,” dagdag ni Duterte.
Nagbiro pa si Duterte na hindi niya tinanong ang kalusugan ni Trudeau, na siya namang nagpairita sa kanya nang tanungin ang kanyang kalusuguan sa isa sa kanyang mga press conference.
“Hindi ko natanong yung state of health,” biro ni Duterte.
Kasabay nito, sinabi ni Duterte na nag-sori siya kay Trudeau kaugnay ng pagpugot ng Abu Sayyaf sa isa sa kanilang bihag na si Ridsdel noong Abril.
Nangako si Duterte na bibigyan niya ng katarungan ang pagpugot kay Ridsdel ng mga bandido.
“I said, ‘Mr. Prime Minister, please accept my apology for the incident. I am very sorry for the incident that happened which resulted in the killing of your national and we will try our very best to see to it that nothing of this nature will happen again,” ayon pa kay Duterte.

Ito’y sa harap naman ng panibagong banta ng Abu Sayyaf na mamumugot ng panibagong bihag kapag hindi ibinigay ang kanilang hinihinging ransom.
“And you are rest assured that when the time comes, we will be able to apprehend the criminals and bring them to justice…There will be a time when I say … surrender and release all hostages,” ayon pa kay Duterte.

Read more...