TUNAY namang nakaka-proud ang achievement at honor na naibigay sa atin ni Jaclyn Jose, ang kauna-unahang Pinay at Southeast Asian actress na nanalo ng Best Actress sa prestihiyosong Cannes Film Festival para sa pelikulang “Ma’ Rosa.”
Although matagal na tayong sumasali sa Cannes either by exhibition or main competition, nitong mga panahon lang ni direk Brillante Mendoza (unang direktor ding nanalo ng Best Director award) talagang nakilala ang mga obra ng Pinoy.
With all due respect sa mga “icons” ng filmmaking sa bansang ito gaya nina National Artists Lino Brocka, Ishmael Bernal at iba pa nilang mga kaliga, ngayon lang talaga nabigyan ng bonggang attention ang mga obra natin at ang gaya nga ng husay ni Jaclyn.
Kaya naman nararapat lang sigurong papurihan ang beteranang aktres at bigyan ng espesyal na parangal ng Malacañang dahil binitbit niya ang dangal ng Pilipinas sa buong mundo tulad ng ginagawa kay Manny Pacquiao.
Kilala nating aktibo pa rin sa mga drama soaps si Jaclyn at siya nga ang nagrereyna ngayon sa GMA 7 bilang “primera kontrabida” na labis niyang ikinagagalak dahil ibang-iba namam daw ito sa mga ginagawa niya sa pelikula.