Baste Duterte umaming may ka-live in na; Ilang beking netizens na-bad trip

baste duterte

MARAMING girls and gays nalungkot at nanghinayang nang aminin mismo ni Sebastian “Baste” Duterte, anak ni presumptive president Rodrigo Duterte na meron na siyang ka-live in.

Naging instant social media heartthrob si Baste simula nang kumalat ang kanyang mga video sa internet, pati na ang mga litrato kung saan makikita ang hubad niyang katawan habang nagse-surfing. Ngunit nito ngang mga nakaraang araw, ilang netizens ang nagpahayag ng disappointment nang malaman nilang hindi na available ang gwapong anak ni Mayor Digong.

Isang follower niya sa Instagram ang nagtanong kung taken na ba siya, ang sagot ni Baste, “Oo, may GF na ‘ko.” Inamin din niyang meron na siyang dalawang anak, isang 5-year-old daughter at isang 1-year-old son. Ang nanay daw ng bunso niyang anak ang ka-live in niya ngayon.

Sa mga curious naman kung ano’ng type ng girl ni Baste, ibinandera ito ng anak ni Digong sa kanyang Facebook page. Ipinost ni Baste ang litrato ng isang nagngangalang Rita, o mas kilala ngayon bilang Badjao girl, na biglang sumikat sa social media.

Nilagyan ni Baste ang picture ng caption na: “Basig curious lang mo unsay tipo nako nga itsura sa babae. Nara o. Pildiha ni #badjao #lumad!” Sa Tagalog, “Baka tinatanong niyo kung anong tipo kong itsura ng isang babae? ‘Yan siya, o. Talunin mo!”

Ang nasabing photo ay kuha ni Topher Quinto Burgos, makikita rito si Rita na kalong ang kanyang nakababatang kapatid habang nanlilimos sa Pahiyas Festival sa Lucban, Quezon kamakailan.

Narito pa ang dagdag na pahayag ni Baste patungkol sa tipo niyang babae, “Okay ra man ug natural nga puti gyud ka. Lahi man tung gusto muputi. Pero mas ganahan ko ug morena!” (‘Okay lang naman na natural ang pagkaputi ng isang babae. Iba yung gustong pumuti. Pero, mas gusto ko ng morena.’)

Read more...