Look: Mega transformation of Carrot Man into a handsome clothing line endorser

 

MA-RECOGNIZE pa kaya siya ng mga dati niyang mga kakilala at mga kaibigan, ngayong super na makeover ng social media hottie na si Carrot Man?

Bagamat gwapo kahit hindi bihisan nang bonggang-bongga, ibang-iba naman ngayon ang malaking improvement sa looks ni Jeyrick Sigmaton o mas kilala sa tawag na Carrot Man.  Mukhang tataubin pa nga niya ang ibang kilalang clothing endorser with his new look and porma.

Bumandera ang pictorial photo ni Jeyrick na yummy na yummy ang dating, para sa isang clothing line na madalas makita sa malalaking billboard sa Edsa.

Ang tanong ngayon ay kung papasukin na rin ba ng gwapong si Carrot Man ang mundo ng pag-aartista?

Unang nakilala si Carrot Man nang mag-trending sa social media ang larawan niya na nagbubuhat ng sako ng carrots sa isang palengke sa Benguet.

Sakabila nang kanyang humble na getup nang makunan siya ng larawan na nagbubuhat ng sako ng carrots, kapansin-pansin pa rin ang kagwapuhan ng binata.

Read more...