Jinggoy gustong dumalo sa huling mga araw ng sesyon

jingoy estrada
Naghain ng mosyon si Sen. Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan Fifth Division upang makalabas siya ng kulungan para ayusin ang kanyang mga naiwan sa Senado.
Sa dalawang pahinang mosyon, hiniling ni Estrada na payagan siyang makalabas ng Philippine National Police Custodial Center mula Mayo 30 hanggang hunyo 2 mula 10 ng umaga hanggang 6 ng gabi.
“Premises considered, it is respectfully prayed of the Honorable Court that the accused-movant be allowed to go to the Senate of the Philippines to attend the last days of session…. for the purpose of winding up of his affairs at the Senate and to segregate and separate his office and personal equipment,” ani Estrada.
Matatapos ang ikalawa at huling termino ni Estrada sa pagkasenador sa Hunyo 30. Bago nakulong isa siya sa ikinokonsidera na tatakbo sa pagkabise presidente.
Ang huling sesyon ng Kongreso ay mula noong Lunes hanggang Hunyo 10.
Si Estrada ay nahaharap sa kasong plunder kaugnay ng paglalagay ng kanyang pork barrel fund scam sa mga non government organization ni Janet Lim Napoles kapalit umano ng kickback.

Read more...