NAGTRENDING sa social media ang #RIPMeghanTrainor kung saan maraming nagsasabi na namatay na ang nasabing singer dahil sa kanyang katabaan.
Pero ayon sa kanyang mga fans, biktima lang diin ang hit singer ng All About the Bass at Like I’m Gonna Lose You ng Internet hoax kung saan ‘pinapatay’ ng ilang netizens ang mga sikat na artista at public figures.
Todo react naman ang ilang fans na hindi kinatuwa ang kumalat na hashtag.
“Stop joking about someone’s death. Y’all being so mean #RipMeghanTrainor” sabi ng isang foreigner fan nya.
“Her songs are mostly about being confident in your own skin and she gets this. how awful. #RipMeghanTrainor” sey ng isang Pinay fan.
“This isn’t funny! Death is not a joke. stop being so immature ppl!” galit na sabi ng isa pa.
Ang sinasabing dahilan kasi ng iba ay dahil sa obesity o sobrang katabaan at inatake raw sya sa puso. Ang iba naman ay nagbiro pa at hindi raw si Meghan ang namatay kundi ang ‘career’ nya.
Sa kanyang Twitter at Instagram account nagpost pa ng picture ng kanyang aso si Meghan habang nilalaro nya ito.
Nag-top 3 naman ang kanyang latest album na Thank You featuring her latest hit na No.
MOST READ
LATEST STORIES