Cybercrime isinampa ng kampo ni Marcos vs Comelec, Smartmatic

Bongbong and Leni

Bongbong and Leni


KINASUHAN ng isang tagasuporta ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga opisyal ng Smartmatic at Commission on Elections (Comelec) dahil umano sa paglabag sa Cybercrime Law noong nakaraang eleksiyon noong Mayo 9.

Inihain ni Abakada-Guro Rep. Jonathan dela Cruz, na siyang campaign adviser ni Marcos ang 15-pahinang kaso sa Manila City Prosecutor’s Office.
Kabilang sa mga kinasuhan ng tampering ng communication systems ay sina Smartmatic Executive Marlon Garcia, Smartmatic Project Director Elie Moreno, Smartmatic Technical Support Team member Neil Banigued, Smartmatic personnel Mauricio Herrera; Comelec IT officer Rouie Penalba at dalawang empleyado ng Comelec na sina Nelson Herrera at Frances Gonzalez.

“May sinasabi doon na hindi pwede makialam o maglabas, tumingin or kalikutin ang ilang bahagi ng sistema at walang makialam tungkol dun sa communications or electronic that has anything to do with information and communication system,” sabi ni dela Cruz.

Ito’y matapos ang pagpapalit script ng transparency server ng Comelec na siyang ginamit sa unofficial counting.
“It was illegal access in the sense that the systems were accessed without the permission of the owner, which is Comelec,” dagdag ni dela Cruz.

Read more...