Tag-ulan na- Pagasa

pagasa
Opisyal ng nagsimula ang panahon ng tag-ulan, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.
Inanunsyo rin ng PAGASA ang posibleng pagpasok sa bansa ng bagyo bago matapos ang buwan at sa darating na Hunyo.
Kamakalawa ng gabi ay bumuhos ang malakas na ulan sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila na nagresulta sa pagbaha.
Posible umano na pumasok sa Philippine Area of Responsibility ang walo hanggang 17 bagyo hanggang sa Oktobre.
Pumapasok na rin umano ang Hanging Habagat na siyang magdadala ng pag-ulan.
Sa huling bahagi ng taon ay inaasahan din ang epekto ng La Nina phenomenon. Ang El Nino phenomenon naman ay hanggang katapusan ng Hulyo ang epekto.

Read more...