2 patay sa kidlat matapos tamaan ang isang cell phone sa South Cotobato

south cotobato
PATAY ang dalawang empleyado ng isang multinational firm sa Surallah, South Cotabato matapos silang tamaan ng kidlat noong Linggo.

Kinilala ni Surallah town police chief Chief Inspector Joel Fuerte ang mga biktima na si Danny Danao, 23, ng Barangay Kusan, Banga at Nestor Feller, 38, ng Barangay Dajay, Surallah, pawang nasa South Cotabato.

Kapwa manggagawa ang dalawang biktima ng Sumifru Corporation, isang plantasyon ng saging sa South Cotabato.

Pauwi na ang dalawa mula sa trabaho ganap na alas-6:30 ng gabi at sinuong ang ulat at isang kidlat.

Sinabi ni Fuerte na base sa imbestigasyon, nakasakay ang dalawa sa isang motorbike nang tamaan sila ng kidlat.

Idinagdag ni Fuerte na base sa testimonya ng mga nakakita sa mga imbestigador, may kausap sa cellphone ang isa sa mga biktima nang tamaan ang kanyang gadget ng kidlat.

“It happened so quickly, witnesses saw flares in the victims’ bodies after the lightning struck,” sabi ni Fuerte.

Isinugod ng mga dumadaan ang mga biktima sa ospital, kung saan sila idineklarang patay na.

Read more...