INABISUHAN ni outgoing Sen. Miriam Defensor Santiago ang Senado na tatapusin niya ang kanyang nalalabing termino sa medical leave sa harap naman ng kanyang pakikipaglaban sa cancer kung saan nakakaranas na rin siya ng anorexia.
Ipinaalam ni Santiago ang kanyang kondisyon sa isang sulat kay Senate President Franklin Drilon.
“This signifies that I shall continue on medical leave for cancer,” sabi ni Santiago.
Magtatapos ang termino ni Santiago sa Hunyo 30 matapos naman siyang tumakbo bilang presidente sa nakaraang eleksiyon.
“One of the medications has produced a side effect of anorexia(inability to eat), which renders me physically and mentally weak,” dagdag ni Santiago.
Idinagdag ni Santiago na nakahanda naman siya at kanyang mga empleyado na lisanin ang Senado sa Hunyo 30.
Naka-medical leave si Santiago simula pa noong Hulyo 2, 2014 dahil sa stage 4 lung cancer.