ANG bandwagon na mentalidad ng mga Pinoy—ang sumampa sa kung saan maraming sumasakay—ay umiral na naman sa mga kongresista na nagsisiksikan sa pagsanib sa partidong PDP-Laban ni incoming President Digong Duterte.
Bago nanalo si Digong, wala pa yatang sampu ang miyembro ng PDP-Laban sa Kamara at Senado.
Ang tinutulak ng PDP-Laban na maging speaker ng Kamara ay bagong halal na congressman ng Davao del Norte na si Pantaleon “Bebot” Alvarez.
Hindi gaano kumikilos si Alvarez upang mang-engganyo sa mga miyembro ng ibang partido, pero marami nang miyembro ng ibang partido na nagsilipat sa panig ng PDP-Laban.
Naging mayoryang partido na tuloy ang PDP-Laban dahil sa mass defections galing sa Liberal, Nacionalista, Lakas-NUCD at Nationalist People’s Coalition.
Isa sa mga kongresista sa Visayas ang ngayon ay kumakanta ng papuri sa PDP-Laban gayong siya’y malakas na supporter ng presidential candidate na si Grace Poe.
Ang nasabing congressman ay nagbigay ng daan-daang milyon kay Grace Poe para sa kanyang campaign fund, pero iniwan niya ito nang bumulusok si Digong sa survey mga tatlong linggo bago ang eleksiyon.
Praktikal lang naman si Cong: Kailangan niyang protektahan ang kanyang e-bingo at casino business at baka maibigay ang permit ng mga ito sa iba sa bagong administrasyon.
Matapos siyang hinirang ni Digong bilang incoming agriculture secretary, ang dating sports columnist at sportscaster na si Manny Pinol ay nagsimulang maglibot sa buong bansa upang tanungin sa mga magsasaka ang kanilang mga problema.
Ibig gawin ni Pinol kapag siya’y naluklok na malagyan ng mga “madaling kunin at murang pagkain” ang bawa’t mesa ng pamilyang Pinoy.
Balak niyang ilunsad ang programang malawakang pagkamit ng mga pagkain at maibsan ang kahirapan ng mga magsasaka.
Ipinanganak na mahirap sa North Cotabato , nalantad siya sa tunay na kalagayan ng mga magsasaka nang siya’y nahalal ng gobernador ng lalawigan noong 1998 hanggang sa pagtatapos ng tatlong termino sa 2007.
Wala siyang iniwang kasong pangungurakot bilang gobernador.
Sa kanyang post sa Facebook, sinabi ni Manny: “Field exposure as a local government leader made me realize the problems affecting the country’s farmers and why, in spite of the fact that we are endowed with so much resources, the country could hardly produce enough food for its growing population.”
Nag-aalaga si Pinol ng mga manok na native, mga kambing na may rasa at karnero sa kanyang bukid.
Nagtatanim siya ng palay, mais at gulay na alaga ng natural na abono.
Ang sunog na si Manny ay nag-aararo sa bukid gamit ang kanyang kalabaw.
Ang aking kumpare na si Manny ay mukha talagang mag-uuma (Bisaya sa magsasaka), at maaaring kauna-unahang secretary of agriculture na ang kilos at anyo ay magsasaka.
Ipinagtatanggol ni Sen. Cynthia Villar, nanay ng incoming public works and highways secretary na si Mark Villar, ang paghirang ng kanyang anak.
Sabi ni babaeng senador, masyado daw namang qualified si Mark sa posisyon dahil siya’y nagtapos sa isang unibersidad sa America .
Hindi qualification iyong anak ang pinag-uusapan, Madame Senator.
Ang pinag-uusapan ay ang delicadeza.
May conflict of interest ang posisyon ni Mark sa inyong negosyo bilang real estate developer.
Ang kakapal naman ng mga mukha ng inyong pamilya.Makapal ang mga mukha

qqq

Ang kakapal naman ng mga mukha ng inyong pamilya.