Kilalang komedyana halos isumpa ng mga katrabaho, laging late sa taping

 

PURING-PURI ng staff ng isang programa ang TV host-actress dahil napaka-professional nito pagdating sa call time. Mas maaga ng 30 mi-nutes to one hour ang lagi nitong dating sa set.

Naiirita naman sila sa isang komedyanang dahil always late raw kung dumating sa set na ang laging dahilan ay matrapik dahil malayo ang bahay niya.

Katwiran ng staff na kausap namin, “Pareho lang naman sila ni (TV host/actess) ng layo ng bahay, bakit ‘yung isa nagagawang dumating ng maaga? Lagi siyang may dahilan hindi na na siya nagbago.”

Ganito rin daw ang nangyari sa komedyanang aktres sa isang reality show, lagi rin itong late kaya parati siyang hinihintay ng mga kasama bago magsimula ang show.

“Cause of delay siya lagi, hindi siya marunong mahiya,” ang naii-ritang sa amin ng taga-production.

Read more...