PINAGSAMA-SAMA ng Puregold Price Club Inc. kamakailan ang pinakamani-ningning na bituin sa bansa sa pinakamalaki at pinaka-engrandeng pagtatanghal ng Tindahan Ni Aling Puring natio-nal convention of sari-sari store owners, na idinaos noong May 18 hanggang 22 sa World Trade Center sa Pasay City.
Pinamagatang “PINASipag, PINASwerte, PINASenso: Isang Bayan Para Sa Panalong Tindahan”, ito ang ika-11 taon ng TNAP national convention ng Puregold. Pinasaya ang mga TNAP members ng world-class performances nina Bamboo, Sarah Geronimo, SpongeCola, at iba pang mahuhusay na Pinoy performers.
Nakisaya rin sa event ang mga Eat Bulaga hosts na sina Ruby Rodriguez, Jose Manalo, Wally Bayola at ang box-office superstar na si Bossing Vic Sotto. Nakisaya rin dito sina Piolo Pascual, Julia Montes, Megan Young, Carla Abellana, Janella Salvador, Janine Gutierrez, Luis Manzano, Kim Chiu, Ryan Agoncillo, Daniel Matsunaga, Erich Gonzales, Ogie Alcasid, Kathryn Bernardo, Juila Barreto, Michael V., Zanjoe Marudo, MC Muah, Donita Nose, Lassy, Iza Calzado, Dimples Romana, Yassi Pressman, 4th Impact, John Lloyd Cruz at marami pang iba.
Marami ring natutunang mahahalagang tips at kaalaman sa negosyo ang mga miyembro ng TNAP mula sa mga libreng seminars na binigay ng mga business masters tulad nina Francis Kong, Chinkee Tan, RJ Ledesma, Michaelangelo Lobrin, Dennis Sy at Marvin Germo.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa TNAP i-like ang opisyal na pahina ng Puregold sa Facebook ( HYPERLINK “https://www.facebook.com/puregold.shopping” \t “_blank” www.facebook.com/puregold.shopping), at sundan ang @Puregold_PH sa Twitter, at @puregold_ph sa Instagram.