Moymoy Palaboy vs Ate Gay-Boobay sa Lip Sync Battle

ate gay boobay at moymoy palaboy

                                                                 Ate Gay, Boobay at Moymoy Palaboy

ANG mga batikan na sa larangan ng pagli-lip sync ang maglalaban-laban ngayong Sabado ng gabi sa Lip Sync Battle Philippines ng GMA 7.

Sino nga kaya ang magiging Lip Sync Champion tonight sa paghaharap nina James at Rodfil o mas kilala sa tawag na Moymoy Palaboy at ng tambalan nina Ate Gay and Boobay?

Sumikat ang Moymoy Palaboy dahil sa mga viral video nila sa social media kung saan mapapanood ang mga nakakaaliw at nakakatawa nilang pagli-lip sync ng iba’t ibang kanta. Sina Ate Gay at Boobay naman ay bihasa na rin sa pagli-lip sync dahil sa pagiging stand-up comedian bago pa sila nakilala sa TV.

Their match up is the fourth tag team edition of Lip Sync Battle Philippines at asahan na ang mga nakakaloka nilang production numbers with their much-awaited punchlines.

Host Michael V. and color commentator Iya Villania opens this week’s episode with a lip sync performance of the novelty classic “Buchike.”

Kaya huwag na huwag aabsent sa panibagong episode ng Lip Sync Battle Philippines this Saturday after Pepito Manaloto sa GMA 7 lang.

Read more...