Mega nahirapang paikutin ang silya sa The Voice?

Sharon Cuneta

                                                                                         Sharon Cuneta

NAGSIMULA na nga si Megastar Sharon Cuneta bilang isa sa mga coach ng The Voice Kids.

Kahit pa nga sabay sa proklamasyon ng Senator-elect husband niyang si Kiko Pangilinan ang taping ng show, mas pinili siyempre ni Shawie ang The Voice Kids dahil commitment niya ito sa programa at sa ABS-CBN.

Kitang-kita ang excitement sa mukha ni Mega at aliw na aliw nga raw ito sa mga batang kalahok plus the fact na talagang nakita raw nitong seryoso ang mga kapwa coaches niyang sina Lea Salonga at Bamboo.

Hindi makatawa ang aming source nang tanungin namin kung hindi nahirapan si Mega na umikot lalo’t obvious na medyo malapad pa rin ang kanyang katawan kumpara sa dalawa pang coaches ng nasabing talent show. Pero siyempre, joke lang yun dahil automatic naman ang revolving chair ng The Voice.

Basta ang sinabi ng aming kausap, “Literal talagang nagmukhang kawayan si Bamboo nang pagitnaan siya ng dalawang babae.” Ha-hahaha!

Read more...