John Lloyd 3 nominasyon pa sana para sa URIAN best actor pero…

JOHN LLOYD CRUZ

JOHN LLOYD CRUZ

KUNG sakali palang nakaabot sa cut off period ng Gawad URIAN ang internationally-acclaimed film na “Hele Sa Hiwagang Hapis”, posibleng tatlo pa ang nakuhang nominations ni John Lloyd Cruz sa Best Actor category.

Kapwa kasi napansin ng mga miyembro ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino ang galing ni Lloydie sa mga nagawa nitong films last year gaya ng “Honor Thy Father” at “A Second Chance” kung saan nga nominado.

“Mataas kasi ang nakuhang marka ni John Lloyd sa parehong movies from the Manunuri na nag-review. Basta umabot ka sa grade na 98 or higher, you will get a nomination,” esplika ng mahal naming professor-kumare from UP Masscom at Chairman ngayon ng Manunuri na si Prof. Gigi Alfonso-Javier.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nakakuha ng double nomination ang isang artista dahil noon pa ito nangyayari. Pero mukhang kahit may dalawang nominations si Lloydie ay mahihirapan siyang makuha ang minimithing URIAN trophy dahil makakalaban nga niya sina Jericho Rosales, Ricky Davao at Sid Lucero, na mga past URIAN winners na rin, plus nandiyan pa ang pinag-uusapang performances nina Luis Alandy, Dennis Trillo, Junjun Quintana, Anthony Falcon, Franciso Guinto and of course si John Arcilla para sa “Heneral Luna”.

Among the Best Actress nominees naman, mukhang pang-URIAN ang husay ni LJ Reyes sa “Anino Sa Likod Ng Buwan” though matitindi rin ang mga kalaban niya like Nora Aunor, Jennylyn Mercado, Angeli Bayani, Mercedes Cabral, Ces Quesada, Alessandra de Rossi at Anika Dolonius.

Sa June 21 na magaganap ang URIAN Awards night sa KIA Theater at ieere ito ng live sa Cinema One.

Read more...